Napanatili ni WBA at WBO flyweight champion Juan Francisco Estrada ang kanyang mga titulo matapos talunin sa 3rd round technical knockout ang napakaliit na si Rommel Asenjo ng Pilipinas kahapon sa Merida, Mexico.

“Estrada was hardly forced to break a sweat in less than seven minutes of one-sided action. Asenjo absorbed a major league beating without offering anything other than brief resistance in return,” ayon sa ulat ni boxing writer Jake Donovan ng BoxingScene.com.

“Combination punching both to the body and upstairs had Asenjo in deep trouble in round two, although managing to remain on his feet. The physical damage was already done, as his eye was rapidly closing shut,” dagdag sa ulat. “Estrada finished him off in round three, scoring what was apparently a body shot knockdown only for the referee to rule the sequence a slip. It was enough for Asenjo’s corner, who launched a towel into the ring to signal their fighter’s surrender.”

Kinondena naman ng mga apisyonado sa boksing ang pagtatanggol ng korona ni Estrada sa kahalintulad ni Asenjo na nakalista lamang sa IBF world rankings ng minimumweight division nang alukin ni Estrada ng kampeonato.

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Anila, patuloy na umiiwas si Estrada sa rematch ng mas may kakayahan na si two-division world champion Brian Viloria ng Pilipinas.

Natamo ni Estrada ang unified titles kay Viloria sa kontrobersiyal na 12-round split decision noong Abril 6, 2013 sa Macau, China.