2ND_KAWAYAN_FESTIVAL_PANGASINAN

Sinulat at mga larawang kuha ni JOJO RIÑOZA

SAN NICOLAS, Pangasinan - Ipinagdiwang noong Marso 7-8 ang Kawayan Festival sa San Nicolas, Pangasinan. Ito ang ikalawang matagumpay pagsasagawa ng naturang pagdiriwang.

Ang Kawayan Festival ay isinagawa kasabay ng kapistahan ng patron ng bayan na si St. Nicholas at bilang pagbibigay-pugay sa pangunahing produkto ng San Nicolas.  

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Ang kawayan ay naging pangunahing produkto ng bayan dahil sa lawak ng lupain natatamnan nito at sa rami ng produkto o napaggagamitan dito upang lumakas na pinagkakakitaan ng mga mamamayan ng San Nicolas.

Ilan lamang ang kagamitan o kasangkapan at pangdekorasyon sa bahay sa pinaggagamitan ng kawayan na inaangkat din ng mga mangingisda o mga negosyante sa pangisda upang gamitin sa fishponds at fishpens.

Naging bida sa selebrasyon ng 2nd Kawayan Festival ang street dancing competition na tinampukan ng masiglang pagsayaw at makukulay na kasuotang nilikha mula sa iba’t ibang parte ng kawayan.

2ND_KAWAYAN_FESTIVAL_PANGASINAN

Nagkaroon din ng parada ang mga estudyante sa elementarya na nagpaligsahan naman sa pinakamalikahaing kasuotan na nagmula sa kawayan. 

Sumali rin sa parada ang naglalakihan at makukulay na karosang dinekorasyunan ng mga bulaklak at kawayan sakay ang magagandang dilag ng bawat barangay, kasama ang mga opisyal ng bayan at mga barangay.

Itinampok din ang isa sa mga bagong aktibidad ng Kawayan Festival, ang kumpetisyon sa paggawa ng magarang bahay-kubo.

Dahil sa tagumpay na inani ng Kawayan Festival sa una at pangalawang taon nito, inaasahang ng mga pinuno ng bayan sa pangunguna ng alkalde ng San Nicolas na si Rebecca M. Saldivar ang mas malaki, makulay at masayang pagdiriwang sa susunod na mga taon.