Ni NITZ MIRALLES

ILANG buwan bago ikasal, parehong may pelikulang ipalalabas sina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga. Ang kaibahan lang, si Toni ay artista at bida sa pelikulang You’re My Boss na showing sa April 4 at si Direk Paul ay director ng Kid Kulafu na showing sa April 15.

Paul & Toni

Nabanggit ni Toni na last movie niya bilang dalaga ang You’re My Boss kaya sa next movie niya ay Mrs. Paul Soriano na siya. Payag daw ang fiancé niyang magpatuloy siya sa showbiz kahit kasal na siya.

National

'Napakairesponsable!' Sen. Risa, pinalagan 'designated survivor' remark ni VP Sara

Produced at directed ni Paul ang Kid Kulafu na tungkol sa early days ng pagiging boksingero ni Manny Pacquiao. Bida ang Kapuso talent na si Buboy Villar at ang Star Cinema ang magre-release ng movie.

Samantala, nagustuhan ng marami ang video post ng director na si Antoinette Jadaone na tinutulungan ni Toni si Coco Martin sa eksena nitong English ang lines ng aktor. Isinulat ni Toni sa coupon bond ang lines ni Coco at idinikit sa camera na malapit sa aktor para malinaw na mabasa. May dialogue na si Toni na pinutul-putol niya ang lines ni Coco at kung nababasa ba nito?

Ikinatuwa ‘yun ng fans ng aktor at napatunayang totoo ang tsinika ni Coco sa presscon ng You’re My Boss  na tinulungan siya ni Toni sa English lines niya. May eksena pa ngang habang nasa likod niya ito ay ibinubulong ang English lines niya, nakita lang sa camera ni Direk Antoinette at pinatigil si Toni.