LOS ANGELES (AP) — Inihayag ni Sam Taylor-Johnson noong Miyerkules na hindi siya ang magdidirehe ng sequel ng Fifty Shades of Grey.
“Directing Fifty Shades of Grey has been an intense and incredible journey for which I am hugely grateful,” pahayag ni Johnson sa industry site na Deadline kasabay ang kanyang pasalamat sa Universal Pictures.
Kumita ang $40 million adaptation ni Johnson sa nobela ni EL James ng aabot sa $558 million sa buong mundo sa loob lamang ng anim na linggo sa sinehan, ngunit bago pa ipalabas ang pelikula, kumalat na ang usap-usapan na ayaw niyang idirihe ang Fifty Shades Darker at Fifty Shades Freed.
Inaasahang sina Dakota Johnson at Jamie Dornan pa rin ang gaganap sa dalawang sequel, na nakatakda pa ring ipahayag.
Kamakailan lamang, inaayos ni EL James, producer din ng pelikula, ang mga problema at sinabi sa The Associated Press na siya “had to fight for a lot of things really hard,” kabilang na ang hindi pagkakasundo tungkol sa huling linya ng pelikula.
Gayunman, sa kanyang pahayag, siniguro ni Taylor-Johnson ang “close and lasting relationships” na ipinakita niya sa mga cast, producer, crew at “most especially, with Dakota and Jamie.”
“I wish nothing but success to whosoever takes on the exciting challenges of films two and three,” aniya.