Nikki Bacolod

REGULAR nang naririnig ang latest single na Sa Iyo ng singer/VJ/ctress na si Nikki Bacolod  sa local radio stations at humahataw na bilang most requested song. 

Ang  Sa Iyo ay  collaboration ni Nikki at ng Malaysian pop/RnB singer na si Min Yasmin.  Ito ang first single mula sa album na 2Voices at Tagalog version ng Malaysian song na Hilangkanlah, na theme song ng Malaysian hit teleserye na Derhaka Seorang Madu ng TV3.

Si Nikki Bacolod ay dating 2nd runner-up ng Search For A Star In A Million at si Min Yasmin ay singer/actress mula sa Malaysia at kilala rin bilang film, television  at drama soundtrack singer.  Ang Sa Iyo ay  likha ni Julfekar, HA & Roosevelt T.Itum at produced ni Julfekar, isang sikat na composer at producer  sa Malaysia at  managing director ng MillenniumArt Sdn. Bhd. at Jufelkar Music sa  Malaysia.

National

Sultan Kudarat, niyanig ng magnitude 5.0 na lindol

Ang 2Voices album ay ini-record sa Kuala Lumpur at Manila at naglalaman ng iba’t ibang musical genres na recorded sa three languages (Tagalog, English at Malay). Bukod sa Sa Iyo, laman din ng album ang sampung awitin na kinabibilangan ng Ang Tanging Dasal, Hindi Ka Na Luluha Pa, Laging Nagmamahal Sa Iyo, Sayang Naman,  Ako’y Babangon Pang Muli,  Tuwing Ika’y Kapiling Ko, Di Na Ako Luluha Pa,  at Yakap ext. Maaari nang mapanood  ang music video  sa YouTube o visit julfekar@ yahoo.com.