Nakatuon ang mga atleta upang walisin ang nakatayang ginto at pilak sa men’s at women’s events ng triathlon sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore sa Hunyo 5 hanggang 16.

Ito ang sinabi ni Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tom Carrasco Jr. hinggil sa hinahangad ng asosasyon sa paglahok sa kada dalawang taong SEA Games.

Ipinaliwanag ni Carrasco na ang apat kataong koponan na binubuo nina Ma. Claire Adorna at Kim Mangrobang sa women’s team at Nikko Huelgas at Jonard Saem ay kasalukuyang nasa matinding pagsasanay sa Portugal na susundan pa ng pagsasanay sa susunod na buwan sa Australia.

Umaasa si Carrasco na makakamit ng TRAP ang tinatarget na ginto at pilak sa men’s at women’s kung pagbabasehan ang nakaraang taong performance sa Incheon Asian Games.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Si Adorna at Mangrobang ay tumapos na ika-7 at ika-8 sa Asiad kung saan ay iniwan nila ang mga nakalaban sa Southeast Asian Games, gayundin sina Huelgas at Saem na tumapos na ika-10 at ika-11 puwesto kung saan ang mga karibal ay nasa ika-20 posisyon.

Gayunman, pinaalalahanan ni Carrasco ang kanyang national triathletes na hindi dapat magkumpiyansa lalo pa na sasagupa sila sa host Singapore na madalas makagawa ng sorpresa sa biennial meet.