Pinatutsadahan kahapon ni Makati City acting mayor Romulo “Kid” Peña ang mga 33 barangay chairman sa lungsod dahil sa umano’y direktang pakikisawsaw sa usaping pampulitika.

Inakusahan ni Peña ang mga kapitan ng barangay na may pakana umano sa paghahakot ng tao upang dumagsa sa harap ng bagong city hall at suportahan si Mayor Binay.

Pinaalalahanan ni Peña ang mga kapitan ng barangay na gawin na lamang ang kanilang trabaho partikular sa pagsugpo sa krimen sa kanilang lugar sa halip na abala sa paglahok sa mga usaping pulitika sa Makati.

Hanggang ngayon ay kapwa naninindigan sina Peña at Makati Mayor Jejomar Erwin Binay na sila ang alkalde ng lungsod.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Pinanghahawakan ni Peña ang kapangyarihan bilang pansamantalang alkalde ng lungsod nang manumpa sa Department of Interior and Local Government matapos isilbi ng kagawaran ang suspension order mula sa Ombudsman laban kay Binay at 14 iba pang opisyal ng Makati.

Nagmamatigas naman si Binay bilang lehitimong mayor ng Makati dahil sa temporary restraining order na inilabas ng Court of Appeals na pumigil naman sa kanyang suspensiyon.

Si Binay pa rin ang kinikilalang alkalde ng konseho, department heads, kawani at mga residente ng lungsod.