Hiniling ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto sa gobyerno na ilipat na lang ang P7.7 bilyong pondo ng Sangguniang Kabataan (SK) sa mga proyektong makatutulong sa mahihirap.

Ipinagpaliban ang halalan ng SK sa Oktubre 2016 at ang P7.7 bilyong pondo nito na mula sa 10%  kita sa Internal Revenue Allotment  (IRA) ay dapat na gamitin na lamang sa mga programa na para sa mahihirap na katulad ng mga pagpapakain sa mga bata para mabawasan ang malnutrisyon.

 “If there’s a dividend to be gained from the postponement, then it should come in the form of children’s meals, Malacañang can officially encourage the use of SK funds for nutrition projects by ordering the appropriate agencies to issue circulars recommending to barangays that feeding projects be prioritized,” ani Recto.

 Aniya, mananatili pa rin ang karapatan ng barangay officials na pumili ng proyekto at aayunan lamang ito ng isang kautusan mula naman sa konseho.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

 Sinabi pa nito na kung gagamitin ang pondo para sa day care programs, tiyak na masosolusyunan ang kakulangan sa malnutrisyon.

Ang P7.7 bilyong pondo ng SK ay tatlong beses na mataas sa pondo ng Department of Tourism (DoT), doble sa pondo ng Department of Trade and Industry (DTI), anim na beses o higit sa pondo ng Civil Service Commission (CSC), at malaki pa sa pinagsamang budget ng 26 state university at college sa Visayas.