Tinatayang mahigit P60 milyon ang pinsala sa agrikultura sa Cotabato bunga ng matinding tag-init, ayon sa ulat na nakarating kay Sec. Proceso Alcala ng Department of Agriculture.

Nabatid na apektado ng pagtaas ng temperatura ang mahigit 4,000 ektaryang plantasyon ng palay, mais at sagingan.

Umabot sa 4, 539 magsasaka mula sa mga bayan ng Alamada, Banisilan, M’lang, Pigcawayan, Antipas, Kidapawan at Matalam, ang apektado ng tagtuyot sa kasalukuyan.

Base sa report ng Cotabato provincial agriculturist na si Engr. Eliseo Mangliwan, ngayon lang muli nakaranas ng tagtuyot ang mga naturang bayan matapos ang halos anim na taong pag-ulan at baha.

National

Bagong kurikulum ng DepEd, ipatutupad sa S.Y. 2025-2026

Sa kabila nito, tiniyak ng agriculturist na hindi magiging mabigat ang epekto nito sa ekonomiya ng probinsya at hindi magtataas ang presyo ng mga nabanggit na pananim dahil sapat pa ang mga nakaimbak sa mga bodegang bayan.