Isinailalim sa pagsasanay sa martial arts ng Bureau of Internal Revenue Region 7 ang kanilang mga manggagawang kababaihan upang maipagtanggol nila ang kanilang mga sarili kasabay sa selebrasyon ng Women’s Month iniulat kahapon ng ahensiya.
Lumahok sa self defense course ang mga empleyada ng BIR mula sa Quezon City, Mandaluyong, San Juan, Rizal, Marikina at Pasig City.
Ayon kay Atty Lorna Cruz , Asst. chief ng legal division ng BIR Region 7, mahalaga sa mga babae ang marunong ng kahit na simpleng pagtatanggol sa sarili dahil karaniwang target ang mga kababaihan ng masasamang elemento tulad ng mga holdaper at iba pa.
Pawang policewoman ng Philippine National Police Region 4A na bihasa sa taekwando ang nagturo ng practical exercises. Jun Fabon