Ang hakbang noong nakaraang linggo ng apat na nangungunang American senator sa pagliliham sa US State Department at sa Department of Defense na nagpapahayag ng kanilang pagkabahala sa pag-angkin ng China sa South China Sea ay nakadagdag ng isang bagong dimensiyon sa matagal nang isyu ng maritime control at pag-aari sa malawak na karagatang ito sa kanlurang bahagi ng ating bansa.

Sinabi ng apat na American senator – sa pangunguna nina Senate Armed Services Committee Chairman John McCain at Foreign Relations Committee Chairman Bob Corker – na sa huling 12 buwan, nagdagdag ang China ng 114,000 square meter ng bagong lupain sa Gaven (Burgos) Reef, dinibelop ang nakalubog na Johnson South (Mabini) Reef sa isang 100,000-square-meter island, at pinalaki ang Fiery Cross (Kagitingan) Reef nang higit pa sa pitong beses. Gayong gumamit ang China ng non-military efforts sa reklamasyon at konstruksiyon, anila, nakikita nila ang tuwirang paghamon sa mga interes ng Amerika.

Bago ito, humaharap lamang ang China sa mga pagtulol ng mga kapitbansa nito sa South China Sea – ang Pilipinas, Vietnam, Indonesia, Brunei, Cambodia, Malaysia, at Taiwan. Ang nasa gitna ng gaguluhang ito ay ang Nine-Dash Line ng China na pumapalibot sa halos buong South China Sea at lumalampas sa Exclusive Economic Zone ng iba’t ibang bansa.

Pinasimulan ng Pilipinas ang arbitration proceedings sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ngunit tumanggi ang China na makilahok sa pagdinig. Sa halip, nanawagan ito para sa isang bilateral negotiations, sa ilalim ng isang kasunduan sa ilang preliminary guidelines upang makatulong sa pagresolba ng kaguluhan na nilagdaan noong 2011 ng China, Brunei, Malaysia, ng Pilipinas, at Vietnam.

National

Bulkang Kanlaon, alert level 3 pa rin!

Sa isang talumpati sa 2015 Harvard International Law Journal Symposium tungkol sa Borders and Cross-Border Enforcement na idinaos sa Harvard Law School noong nakaraang buwan, ipinagtanggol ni Supreme Court Justice Francis Jardeleza ang desisyon ng Pilipinas na dalhin ito sa arbitration na, aniya, kumikilos sa paniniwala sa pananaig ng batas kahit sa cross-border matters. Aniya, umaasa siya na tatanggapin ng China ang oportunidad na makilahok sa isang diyalolog hindi lamang sa mga arbitrator kundi, “in a larger sense with all of mankind.”

Kaya, nanatili itong mapayapang kontrobersiya, limitado sa paggamit ng water cannons sa mga barkong pangisda. Nagtagumpay ang mga katunggali sa pag-iwas sa pagpapakita ng puwersa. Ang pagkilos ng apat na American senator sa paghiling ng aksiyon ng US State at Defense Departments ay naghahatid ng isang bagong elemento sa isyu – ang posibleng direktong pakikisangkot ng Amerika. Kailangang umasa tayo na ipagpapatuloy ng mga bangsang apektado ang kanilang paghahangad ng isang mapayapang solusyon sa mga kaguluhan. Ang anumang mas mababa pa rito ay hindi katanggap-tanggap.