Nanindigan kahapon ang Malacañang sa desisyon ng gobyerno ng ipagpatuloy ang mga konstruksiyon ng bansa sa West Philippine Sea sa kabila ng pagpoprotesta ng China.

Sinabi ni Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte na ang mga construction activity ng Pilipinas ay hindi sa mga lugar na saklaw ng Declaration on the Code of Conduct of Parties (DOC) sa South China Sea.

“We support the position that the repairs are not covered under the prohibited actions under the DOC,” ani Valte.

Ayon sa mga ulat, tinuligsa ng China ang Pilipinas dahil sa “hypocrisy” nito sa territorial dispute, at idinagdag na Beijing ang may soberanya sa lugar. “Of course, that is their position.

National

PBBM sa Undas: ‘Let this day of memorial rekindle us to be better Filipinos’

We have made our position known especially in the appropriate tribunal when it comes to the matter of the dispute on the territory,” sabi ni Valte.

Nagpahayag din ng kumpiyansa si Valte na magkakaroon ng paborableng resulta ang arbitration sa kabila ng pagtanggi ng China na isumite ang posisyon nito sa arbitration case.

Noong nakaraang linggo lang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na ipagpapatuloy nito ang konstruksiyon sa West Philippine Sea.