Kinansela ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang lisensiya ng isang recruitment agency dahil sa tangka nitong ipadala sa ibang bansa ang dalawang Pinay na may itinagong mga visa.

Sinabi ni POEA Administrator Hans Leo Cacdac, tinangka ng Chanceteam International Services Inc. na i-deploy ang dalawa papuntang Dubai bilang household service workers.

“This is a clear case of reprocessing that constitutes misrepresentation to circumvent the POEA rules on recruitment and placement of household service workers,” pahayag ni Cacdac.

Lumabas sa imbestigasyon na hinarang ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Pinay mula sa pagsakay ng kanilang biyahe papuntang Dubai matapos ipakita ang dalawang hanay ng mga visa na may iba’t ibang posisyon ngunit may parehong numero ng permit.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sinabi ng dalawang manggagawa na ang mga visa ay prinoseso nila sa POEA bilang mga cashier at hairdresser ngunit ang kanilang nakatagong visas ay magtatrabaho sila bilang mga kasambahay at yaya.

Nangangahulugan lamang aniya na ang Chanceteam ay ginagamit ang ibang non-domestic worker job orders para sa UEA upang mapabilis ang kanilang pagpapa-alis at makaiwas sa responsibilidad upang maprotektahan ang Filipino domestic workers.

Papanagutin din ng POEA ang kumpanya para sa pagbabago ng dalawang grupo ng mga visa na nagkaroon ng parehong numero ng permit. - Mina Navarro