Marso 29, 1882 nang maitatag ang Catholic fraternal brotherhood na Knights of Columbus sa pamamagitan ng Connecticut state legislature, dahil sa mga pagsisikap ng noon ay 29 na taong gulang na pari ng St. Mary’s Church na si Michael McGivney.
Nababahala si Mc Givney sa mga natatanggap na diskriminasyon ng kanyang mga parishioner dahil sa relihiyosong paniniwala ng mga ito. Oktubre 2, 1881 nang tipunin niya ang ilan sa kanyang laymen upang resolbahin ang problema ng kanilang mga mananampalataya.
Ipinangalanan ang nabuong organisasyon kay Christopher Columbus.
Binigyang-halaga nito ang kawanggawa, pagkakaisa at solidong samahan at binuo upang tumulong sa mga may pangangailangang pinansiyal sa pamamagitan ng life insurance at iba’t ibang programang pangkalusugan. Isinulong din nito ang social at intellectual discourse sa mga miyembro nito at kani-kanilang pamilya.
Sa kasalukuyan ay aabot na sa 14,000 ang konseho nito, at may 1.8 milyong miyembro sa mundo.
Hindi pabor ang grupo sa pornography at tutol ito sa aborsiyon, at ang mga miyembro nito ay tinawag na “Catholic Masons” dahil hindi sila maaaring sumapi sa Freemasonry sa utos ng papa.