NAGKABALIKAN na nga ba? Namataang naghahalikan sina Jennifer Lopez at Casper Smart noong Miyerkules ng gabi sa labas ng taping ng American Idol sa Los Angeles. Nakipaghiwalay ang 45 taong gulang na singer sa backup dancer ngunit madalas silang Makita na magkasama nitong mga nakaraang buwan.

Casper and J.Lo

Nang ganapin ang premiere ng pelikula ni J.Lo na Home (na si Casper ang opisyal na choreographer), sinabi ni Casper sa E! na magkaibigan lamang sila ni J.Lo.

“We got a lot of ties. We’re very close,” paliwanag ni Casper tungkol sa kanila ni J.Lo. “We’re friends. We’re very good friends.”

National

'Di nagdrama!' Robredo, dumalo sa lahat ng SONA noon ni FPRRD -- Ex-OVP spox

Naghiwalay ang magkasintahan noong Mayo 2014. May mga ulat din na si Casper ay nagpapadala ng Instagram photos sa ibang babae.

“I had to make a commitment to myself to be alone: No flirting. No possibility of anything. No boys in any way, shape or form. I said, ‘I’m shutting it down,’” pahayag ni J.Lo sa People. “I’d never been alone… I always found my comfort in another person.”

Aniya, “I still believe in the fairy tale… The more I work on myself, the more I give myself the opportunity to share a really deep and meaningful relationship that can give me my fairy tale and last forever.”

“I’m not rushing into anything in any way, shape or form,” konklusiyon niya. “And I’m not looking,” dagdag pa ni J.Lo.

Ayon sa TMZ , hindi naman talaga naghiwalay sina J.Lo at Casper. Ayon sa kanilang sources, ang nasabing hiwalayan ay isa lamang karaniwang Hollywood business move upang ipakilala ang The Boy Next Door  sa publiko at ipalabas na siya ay interesado sa hot co-star na si Ryan Guzman.

Samantala, wala pang opisyal na pahayag kung totoo ang nasabing ulat. Si Guzman at ang kanyang kasintahan na si Melanie Iglesias ay muntik nang magkahiwalay bago maabot ng aktor ang promo trail ng pelikula. - Yahoo News/Celebrity