Ni MARICEL BURGONIO

Nagtakda ang Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ng rotation water service interruptions mula 14 oras hanggang 28 oras sa Holy Week, partikular sa ilang bahagi ng Pasay, Las Piñas, Parañaque at Cavite.

Sa isang pahayag, sinabi ng Maynilad na ang control project ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang dahilan ng rotating water service interruptions mula Martes hanggang Biyernes.

May 24 tangke ng tubig ang iaantabay sa mga lugar na maaapektuhan ng mahabang pagkawala ng supply ng tubig.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Umaapela ang Maynilad sa kanyang mga kustomer na mag-imbak ng sapat na tubig para sa kabuuan ng pagkawala ng serbisyo. Pinapayuhan din ang mga mayroong overhead tanks na linisin muna ang mga ito bago pag-imbakan ng tubig.

Ang DPWH project ay kinasasangkutan ng interceptor drainage box culvert (DBC) sa Blumentritt St. upang maibsan ang taun-taong pagbaha sa Manila.

Tatawid ang DBC sa tubo ng Maynilad sa Juan Luna St. corner Hermosa St., para sa realignment ng tubo bago ang implememtasyon ng DPWH flood control project.

Mangangailangan ang Maynilad ng 72 para makumpleto ang trabaho.

Ang kumpletong listahan ng mga apektadong lugar at ang kanilang corresponding water interruption schedules ay maaaring mai-downloaded mula sa website ng Maynilad sa http://www.mayniladwater.com.ph/news_center.php.