Nadakip ang isang 16-anyos na binatilyo na umano’y sangkot sa mga nakawan sa kanilang lugar makaraang makilala ng ginang na pag-aari ng kanyang kaibigan ang ibinebentang cellphone ng suspek sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Dahil menor-de edad nasa pangangalaga ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang suspek na itinago sa pangalang “Elmer.”

Ayon kay Lovely Cubillo, 28, ng Sitio 6, Barangay Catmon, Malabon City, lumapit sa kanya si Elmer at may ibinebentang cellphone. Ngunit nang buksan niya ang cellphone ay nakita niya sa screensaver ang kaibigang si Jenny Recolios, 31, kasama ang anak nito.

“Tinanong ko po ‘yung suspek kung bakit nasa kanya ang cellphone ng kaibigan ko tapos hindi na siya nakasagot,” ani Cubillo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Dahil dito, ipinagbigay-alam niya kay Recolios ang pangyayari at dito natuklasan niya na ninakawan pala ang kanyang kaibigan ng dalawang mamahaling cellphone, super kalan, tablet at cash na P10,000, noong Miyerkules ng gabi.

Sinugod ni Recolios si Elmer para tanungin kung saan niya itinago ang iba pang ninakaw sa kanya, pero sinabi ng binatilyo na ibinigay niya sa kaibigang si “Bunso” na nakilala lamang nito sa Facebook.