Ang Palm Sunday ay paggunita at pagdiriwang ng mga Katoliko sa buong daigdig ng matagumpay na pagpasok ni Kristo sa Jerusalem kasama ang kanyang mga alagad mahigit 2,000 taon na ang nakalilipas. Ang mga magsismba ay may dalang mga palaspas upang pabindisyunan sa pari at pagkatapos ay sumasama sila sa priusisyon. Ang prusisyon at ang mga palaspas ay sumasagisag sa masayang pagtanggap at pagsalubong ng mga Hudyo kay Kristo.

Sa Angono, Rizal na bayan ng dalawang National Artist na Sina Carlos Botong Francisco at Maestro Lucio D. San Pedro, ang Palm Sunday ay isang pagdiriwang na masaya, makulay at makahulugan ang pagpapahalaga at pagbibigay-buhay sa mga tradisyon. Sa prusisyon ng palaspas, may mga naglalatag ng mga banig at lambong sa nilalakaran ng pari at ng mga “apostol” sa pagtungo sa apat na “Onsanahan” o platform na nasa apat na lugar sa bayan. Ang apat na ‘Onsanahan” ay may mga dekorasyon; nay nakakabit ding makulay na tela mula sa itaas ng paltaporma hanggang sa ibaba. Dito nalalaglag ang isinasaboy na confetti ng limang batang babaeng naka puting damit habang inaawit ang “Honsanna, Hosanna, Filio David, Benedictus que venit in Nomine Domine. Rex Israel, Rex israel, Hosanna, Honsanna in Excelsis”. (Mabuhay ang Anak ni David na napariito sa ngalan ng Panginoon). Ang pag-awit ay sinasaliwan ng tugtog ng Angono National symphonic band.

Noong nabubuhay pa ag National Artist na si Maestro Lucio D. San Pedro na kababayan at kabarangay ng inyong kolumnista, nasabi niya sa akin na ang “Hosanna Filio Davd ay isang awit na nakuha niya sa Metropoltan Theater noong 1943. Iniuwi niya ang kopya ng awit sa Angono at iginawa niya ng musical arrangement ang awit at tugtugin para sa banda at sa mga batang babaeng aawit nito. At mula noon hanggang sa ngayon, ang awit na “Hosannna Filio David” ay bahagi na ng masayaya at makulay na pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas sa Angono, Rizal. Hindi alam kung sino ang kumatha ng awit at tugtuging “Hosannna Filio David”.

Matapos ang pag-awit ng ‘Hosanna Filio David” sa apat na Onsanahan, nagbabalik ang prusisyon ng palaspas sa simbahan. Sa paglalakad ng pari at ng mga “apostol”, ang nilalakaran nila ay nilalatagan ng banig at lambong sa paanan ng altar ng simbahan. Kasunod na nito ang misa paras Linggo ng Palaspas.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho