FOLLOW-UP ito sa nasulat naming kuwento ng isang source namin na hiwalay na ang magkasintahang Divine Lee at Victor Basa dahil laging nakikitang umiinom ang huli kasama ang beki friends.

Divine at Victor

Pinabulaanan ng common friend namin ni Divine ang isyu, hindi raw totoo at sa katunayan ay very much on pa rin sina Divine at Victor.

Nagti-training kasi si Victor para sa nalalapit na Iron Man Challenge kaya hindi napagkikitang kasama ni Divine bagay na ipinagtaka ng marami na nasanay nang parang alter-ego ang dalawa.

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

“Sobrang in love ng dalawang ‘yan, hindi totoong naghiwalay sila kasi bumili pa ng (condo) unit si Victor katabi ng unit ni Divine at ipinatibag ‘yung wall para connected na,” sabi ng kaibigan naming na kaibigan din ni Divine.

Bakit laging nakikitang umiinom sa bar si Divine kasama ang beki friends?

“Sinasamahan lang ni Divine ‘yung beki friend niya, kasi kinakarir nila si chef, so ‘yun ang buong drama. Since wala namang career si Divine sa showbiz kaya keribels niya magpuyat to the max,” pangangatwiran pa.

Wala palang career, paano nami-maintain ni Divine ang lifestyle niya?

“May mga gig naman siya, hosting job, endorsement at may business siya.”

So ‘yun naman pala, kaya hindi truliling hiwalay na sina Divine at Victor na sa tingin din namin ay malabo na nga yatang maghiwalay pa dahil sobra silang in love sa isa’t isa.