Dawn Zulueta

MAY lumabas na isyung papasukin na rin ni Dawn Zulueta ang pulitika. Ang sabi, ang aktres ang hahalili sa asawang si Rep. Anton Lagdameo, na nasa third term na ngayon bilang representative ng 2nd district ng Davao del Norte.

Kaya madalas na raw ang paglilibot at aktibung-aktibo si Dawn sa pakikisalamuha sa mga nasasakupan ng asawa. 

Pero nang makausap namin si Dawn sa taping ng kanyang latest teleserye sa Ricafort St. dito sa Tondo, agad niyang itinanggi ang isyu. 

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

“You know what, ever since sinasabi ko na politics is not really for me. It’s my husband’s turf. I leave it to Anton who have served his district for so long. Hayaan n’yo na lang ang showbiz sa akin,” sabi ng premyadong aktres. 

Aniya pa, walang problema si Anton sa pagiging public servant dahil pasadung-pasado naman ito sa halos lahat ng constituents nito.

Idinagdag ni Dawn Zulueta na maraming batas na rin namang naipasa si Cong. Anton Lagdameo na isa rin sa advocates ng Bangsamoro Basic Law (BBL). Isa ang asawa niya na nakikipagdebate para rito.

“Lahat naman tayo,eh, gusto natin ng katahimikan. Just like sa inyo, eh, we all love peace. Tahimik na pamumuhay, ‘yun naman ang gusto natin, di ba? Kaya I support my husband for his deeds para maging tahimik na ang Mindanao and to give prosperity to his constituents.

“I will always support my husband in his political plans if he decides to run for the Senate next year. Ang showbiz career ko, he’s very supportive. Would you believe, kahit matagal na kaming mag-asawa, siya pa rin number one fan ko,” lahad pa rin ng aktres na walang kupas pa rin ang ganda.