NOONG 1992, naranasan ni Robin Padilla ang pinakamapanganib na bahagi ng trabaho niya bilang action star sa shoot ng isa niyang pelikula. Ang maaksiyon at makapigil-hiningang eksena na kinabibilangan ng blasting stunts ay nagkaroon ng aberya at aksidenteng nasunog ang balikat at braso ng actor.

Maging sa taping ng Joaquin Bordado, peligro rin ang kinaharap ni Robin nang sumadsad ang sinasakyan niyang motorsiklo. Minsan ding muntik matanggal ang lock ng harness habang nagra-rappel siya sa isang gusali. 

Sa one-on-one interview sa kanya ni Arnold Clavio, ikukuwento ni Robin ang mga naranasang aksidente at kung ano ang mga aral ang iniwan nito sa kanya.

Abangan ngayong  Lunes, March 30, 4:35 ng hapon sa Alisto sa GMA.
National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami