KINUMPIRMA ng Viva Communications, Inc. ang pag-withdraw ni Albert Martinez sa cast ng pelikulang Felix Y. Manalo: The Last Messenger. Narito ang buong official statement na ipinadala ng producer ng movie na idinidirehe ni Joel Lamangan:

Dennis Trillo

“Albert Martinez has withdrawn from the cast of Felix Y. Manalo: The Last Messenger, the historical biopic of Felix Y. Manalo, founder of the Iglesia ni Cristo. Representatives from Viva Communications, Inc., the producer of the film, have confirmed that Albert’s manager, Shirley Kuan, requested that Albert be allowed to withdraw from the film last March 9, 2015 so he can attend to and spend more time with his wife Liezl, who at that time was confined in the hospital. Viva Communications, Inc. immediately accepted the request out of compassion for Albert’s situation.

“Changes to the cast following Albert’s withdrawal have yet to be confirmed.”

National

5.9-magnitude na lindol, yumanig sa Southern Leyte; Aftershocks at pinsala, asahan!

Sa ngayon, balitang tuluy-tuloy na ang shooting ng movie at si Dennis Trillo, ang pumalit kay Albert, para gumanap sa kabuuan ng story, mula sa batang Felix Manalo -- katambal bilang batang asawa si Bela Padilla at ang adult wife ay gagampanan naman ni Alice Dixson. Kailangan nang tapusin ang pelikula para maipalabas sa June, ang ika-100 taon ng Iglesia ni Cristo.

Samantala, ginanap na ang pasiyam ni Liezl noong Linggo, May 22, at isinabay na rin ang paggunita sa kanyang kaarawan (March 27).  Noong March 25, pinasiyaan naman ng Movie Review and Television Classification Board (MTRCB) ang Liezl S. Martinez Hall na dinaluhan ni Albert at ng mga anak nila na sina Alyana, Alfonso at Alyssa.  Bago pumanaw si Liezl, miyembro siya ng MTRCB.