WALANG kinalaman si Ai Ai delas Alas sa naglalabasang isyu na kesyo formality na lang ang kulang para maging Kapuso talent siya. Wala pa raw siyang kinakausap ni isa man sa mga bosing ng Siyete.

Ai Ai Delas Alas

Hanggang ngayon ay wala pang desisyon si Ai Ai kung mananatili siyang Kapamilya o lilipat na ng home studio.

Pero knows naman marahil ni Ai Ai na pinagtaasan siya ng kilay ng isang tao na dating pinagkakatiwalaan niya at malapit sa kanya. Ang taong ito kasi mismo ang kausap niya nang aminin niya na nakikipag-usap na siya sa management ng Kapuso Network. 

Sandro Marcos, nag-react sa malisyosong video ng ama

Knows ng naturang source namin, na dating malapit kay Ai Ai, ang gagawing proyekto ng komedyana sa GMA-7. 

“Isang May-December affair na drama-serye ang gagawin ni Ai Ai na may working title na Let the Love Begin. Siya ang talagang bida rito siyempre, dahil yun ang gusto niya,” sey ng kausap namin. 

Isang kakaibang role raw ang gagampanan ni Ai Ai sa seryeng ito na ang magiging leading man niya ay si Ruru Madrid at makakasama rin nila si Regine Velasquez.

Bagay na bagay daw kay Ai Ai ang papel niya na parang hawig sa kanyang tunay na buhay na meron siyang boyfriend na halos kasing edad lang ng kanyang bunsong anak.

Hindi rin dapat itanggi ni Ai Ai dahil nu’ng unang pinag-usapan  ang proyekto ay ipinadala agad ng Kapuso Network ang draft ng script sa kanya at nagustuhan agad niya ang magiging papel niya. 

May portions nga lang daw na ipina-revise si Ai Ai dahil ayaw niyang malapit na malapit sa katotohanan ang magiging istorya ng nasabing serye. 

“Sa totoo lang, may mga taga-GMA nga na medyo naloka agad kay Ai Ai. Kumbaga, hindi pa man siya pormal na nagiging Kapuso ay nag-prima donna na agad siya. Hindi pa nga siya nakakasigurado na maghi-hit sa televiewers ang pagbabalik-TV niya,” sey pa ng source namin.

Ngayon, naguguluhan na kami, dahil sa ibang write ups, ang pretty teen star na si Gabbi Garcia ang leading lady ni Ruru Madrid.