MAY nagtanggol kay Toni Gonzaga sa sinulat naming pagkuwestiyon kung isa na siyang music icon.

Toni Gonzaga

Isa kasi dapat si Toni sa jury ng Your Face Sounds Familiar pero hindi pumuwede dahil bisi-bisihan siya sa shooting ng You’re My Boss movie nila ni Coco Martin.

At ang sabi sa amin ng taga-YFSF, pawang music icon ang jury nila, sina Gary Valenciano, Jed Madela at Sharon Cuneta at kung umokey sana si Toni, e, di isa rin siya. Kaya ang tanong namin, puwede na ba siyang matawag na music icon?

DSWD, ipinag-utos ang agarang tulong sa mga pamilyang naapektuhan ni Carina

“Alam mo, bakit parang pinag-iinitan mo ang Gonzaga sisters? Lagi mong sinusulat si Alex ng isyu, ‘tapos ngayon si Toni naman, may problema ba kayo?” pagtatanggol ng ABS-CBN executive na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Natawa kami sa tanong at sinabing wala at base ang isyu kay Toni sa komento ng netizens at ilang katoto.

Maganda ang paliwanag ng tagapagtanggol ni Toni.

“Siguro kung ikukumpara mo siya sa magagaling kumanta, the likes of Regine (Velasquez) hindi siguro, pero kung pagbabasehan mo naman sa achievements, puwede naman kasi puro kumikita naman ang album niya, napuno na rin naman niya ang SM MOA at Araneta (Coliseum), so may napatunayan na, di ba?

“Magkaiba, hindi man kagandahan ang boses ni Toni, marami naman siyang followings, mabenta ang album at concerts niya, kesa sa sobrang gaganda at gagaling ng boses kung wala namang bumibili ng album nila at hindi rin sila nakakapuno ng malalaking venue.

“So, business-wise, doon ka sa hindi kagandahan ang boses, pero kumikita ka, kaysa sa hindi, di ba?

“Actually, marami tayong singers na magagaling talaga, pero nasaan na sila, anong nangyari sa kanila? Ganu’n lang ‘yun. Kaya iba-ibang level lang ‘yan kapag sinabing music icon.”

Nabanggit namin ito sa ilang katoto at iisa pa rin ang sagot nila na talagang pagkadiin-diin pa, Bossing DMB.

“Naku, hindi, hindi talaga, ‘no! Hindi music icon si Toni!”

Sabi pa sa amin ng nagtataray na katoto, “Sa hosting lang siya magaling pero napintahan pa sa Binibining Pilipinas, magaling siyang magpatawa, ‘yun lang ‘yun, pero hindi siya music icon.”

Okay, fine!