SINGAPORE (AP)— Hinihimok ang mga Singaporean na umaasang masilayan ang kabaong si Lee Kuan Yew na huwag nang dumagdag sa mahabang pila na umaabot na ng 10 oras.

Sinabi ng gobyerno noong Biyernes sa publiko na huwag nang sumali sa pila at pumunta na lamang sa community tribute sites na inilatag sa buong isla.

Ipinagluksa ng Singapore ang pagkamatay ni Lee noong Lunes sa edad na 91. Nagsilbi siyang prime minister sa loob ng 31 taon hanggang noong 1990 at tinitingala ng mga Singaporean bilang arkitekto ng economic success ng city-state. Nakaburol siya sa Parliament House hanggang Sabado ng gabi. Nakatakda ang state funeral sa Linggo.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Batanes