Miami (AFP)– Sumemplang ang world number two na si Maria Sharapova sa Miami Open hardcourt tennis tournament, sinorpresa ng 97th-ranked na si Daria Gavrilova, 7-6 (7/4), 6-3.

Ang nangyaring upset, ang pinakamalaki sa pinagsamang WTA at ATP Masters event sa ngayon, ay inabot ng 1 oras at 49 minuto at minarkahan ang worst defeat ng five-time Grand Slam winner na si Sharapova na kanyang nalasap sa Miami mula nang matalo sa kanyang debut noong 2003.

“It’s sport, and I happened to lose the match,” sabi ni Sharapova tungkol sa kanyang second-round opener matapos makakuha ng first-round bye. “Of course it’s a bit of a surprise. I’m expected to win.”

“But that’s one of the reasons why we play the matches -- you still have to go out and win it no matter if you’re the favorite.”

National

65% ng mga Pinoy, umaasang magiging masaya ang Pasko

“Today I didn’t,” dagdag ng dating world number one, na hindi pa nakahahawak ng tropeo sa Miami sa kabila ng kanyang limang pagtuntong sa final.

Si Gavrilova, na kakapasok lamang sa top 100 noong Lunes, ay napasigaw sa tuwa matapos maselyuhan ang panalo.

“I still can’t realize that it’s my dream,” sambit ni Gavrilova, na inaming pangarap niya ang matalo si Sharapova matapos niyang makitang talunin ng kababayan si Serena Williams sa Wimbledon final noong 2004.

Ang surprise defeat ng second seed ay nagbukas ng pinto para sa posibleng pag-angat ng Romanian na si Simona Halep mula number three sa number two sa world rankings sa likuran ni Williams.

Si Gavrilova ay nakatira at nagsasanay sa Australia, kung saan siya ay hinahasa sa ilalim ng funding mula sa Australian federation at naghihintay sa kanyang Australian citizenship.

Ang kanyang pagwawagi ang una niyang laban sa isang top-10 player matapos ang unang apat na tsansa. Bago ito, hindi pa niya nagagawang manalo sa kahit sino na may ranking na mas mataas sa 35th.