Si women’s bantamweight champion Ronda Rousey ang isa sa pinakamalaking bituin, kung hindi man ay ang pinakamalaki sa UFC roster.

Wala pang mantsa ang kanyang fighting career, at isang laban pa lamang niya ang lumampas sa first round. Tinalo niya ang pito sa kanyang 11 kalaban ng wala pang 1 minuto.

Kasunod ng kanyang 14-second finish kontra kay Cat Zingano sa UFC 184, muling nakipagnegosasyon si Rousey para sa kanyang kontrata sa fight promotion at lumagda sa panibagong long-term deal.

“I’m a UFC fighter. I just renegotiated. I have a lot of fights that I have in the UFC before I’d be able go and do anything else,” lahad ni Rousey sa ESPN First Take kamakalawa.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Siya ay kasalukuyang nasa isang worldwide press tour para sa promosyon ng kanyang susunod na laban kontra sa undefeated din na si Bethe Correia na nakatakda sa Agosto 1 sa UFC 190 sa Brazil at ng kanyang memoir na isinulat niya kasama ang kapatid.

Nang ang anak ng boxing legend na si Muhammad Ali, Laila Ali, kamakailan ay nagsabing madali niyang matatalo si Rousey, pinagmulan ito ng interes na makita ang UFC champion na tumapak sa professional boxing.

Bagamat gugustuhin ni Rousey na subukan ang buhay sa labas ng MMA, hindi niya ito nakikitang mangyari sa maikling hinaharap.

“I have a lot going on. I have fights. I have two movies coming out. I’ve got a book coming out. My schedule is a little full at the moment,” aniya. - Yahoo Sports