Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na iwasan ang anim na lugar sa Quezon City kung saan magsasagawa ng road reblocking operations ngayong weekend.
Nagsimula ang repair work ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) dakong 10:00 kahapon ng hapon at inaasahang matatapos ito dakong 10:00 ng Linggo ng gabi.
Ang mga apektadong lugar ay kinabibilangan ng Mindanao Avenue – mula Road 8 hanggang North Avenue, second lane; at C-5 Road Pasig Blvd. hanggang Bagong Ilog ServiceRoad, southbound.
Isasara sa mga motorista ang Commonwealth Avenue COA main gate hanggang COA exit gate, second lane mula median island; Commonwealth Market Extension Overpass hanggang Bicol-Leyte Overpass, second lane mula median island na kapwa northbound; at Batasan Road mula Filinvest II hanggang Payatas Road, second inner lane at CP. Garcia Avenue – mula University Avenue hanggang Maginhawa St., second lane, eastbound.
Pinayuhan ng MMDA ang mga motorista na iwasan ang mga naturang lugar at sa halip ay gumamit ng alternatibong ruta upang makaiwas sa trapik.
Inirekomenda ni DPWH-National Capital Region Director Reynaldo Tagudando ang pagsasagawa ng reblocking at rehabilitasyon ng mga naturang lansangan ngayong weekend bilang bahagi ng maintenance work ng mga ito.
Muling bubuksan ang mga naturang lansangan dakong 5:00 ng madaling araw sa Lunes.