Ni REMY UMEREZ

Jennylyn MercadoNAGTAMO ng papuri si Jennylyn Mercado sa pasyang huwag dumalo sa kasal ng kanyang ex-boyfriend na si Patrick Garcia.

Ikinasal noong March 21 si Patrick at ang kanyang live-in partner na si Nicole “Nikka” Martinez (mayroon na silang anak, si Chelsea) sa Blue Bay Leaf sa Parañaque.

Ayon sa malalapit na kaibigan ng TV host/aktres, minabuti ni Jennylyn na huwag dumalo sa wedding para hindi umani ng attention. Alam ng aktres na isang sagrado at espesyal ang okasyon which exclusively belongs to the newly-weds.

National

Chile, niyanig ng magnitude 7.4 na lindol; Pinas, walang banta ng tsunami

“It is their moment,” sabi ng aktres who still has to find Mr. Right.

Hindi naman ipinagkait ni Jennylyn ang pagdalo ng kanilang anak na si Alex Jazz na siyang naging ring bearer; at flower girl naman si Chelsea.

Matagal nang naka-move on si Jennylyn at ang tinututukan niya ngayon ay mapanatiling masigla at produktibo ang kanyang showbiz career. Si Jennylyn ang pinili ni Willie Revillame na maging co-host sa pagbabalik nito sa television.