Arestado ang isang pinaghihinalaang big time drug pusher habang nakatakas ang tinaguriang “shabu queen” ng Cebu City sa isinagawang raid ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Philippine National Police (PNP) matapos , nakumpiskahan ng mahigit P1 milyon halaga ng shabu sa Barangay Calamba sa siyudad, iniulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Arturo G. Cacdac, Jr. ang arestadong suspek na si Roy Barcelon Cadajar, 26, ng A. Lopez, Barangay Calamba, Cebu City.

Habang nakatakas ang kanyang kakutsaba na si Marilyn Mayang ng Sitio Mahayahay, Barangay Calamba.

Si Mayang ang itinuturong “shabu queen” sa siyudad ng pulisya.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Base sa report kay Cacdac, dakong 5:30 kamakalawa ng hapon nang salakayin ng mga operatiba ng PDEA Regional Office 7 (PDEA RO7) at Regional Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Group (RAIDSOTG-7) sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Eric Menchavez ng Cebu City Regional Trial Court Branch 21 laban kay Mayang na nakatakas nang dumating sa lugar ang raiding team .

Nasamsam kay Cadajar ang 30 plastic sachet ng shabu na tinatayang may timbang na 85 gramo at nagkakahalaga ng P1,003,000 at P3,100 cash.

Si Cadajar at Mayang ay nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon kay Cacdac.