Muling nanawagan ang Malacañang sa overseas Filipino workers (OFWs) sa Yemen na lisanin na ang nasabing bansa dahil sa lumalalang political at security situation.

Sinabi ni deputy presidential spokesperson Abigail Valte na itinaas na ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa alert level 4 ang Yemen, nangangahulugan na ipinatutupad na ang mandatory repatriation para sa mga Pilipino sa lugar.

“There are an estimated 700 Filipinos still in Yemen and our embassy there continues to assist them in returning to the country,” ani Valte.

Noong Huwebes, naglunsad ang Saudi Arabia ng air strikes laban sa mga rebeldeng Houthi sa Yemen.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente