SALT LAKE CITY (AP)- Pinalagda ng Utah Jazz sina forwards Jack Cooley at Chris Johnson para sa multiyear deals.

Ansamantalang ‘di muna inilahad kahapon ang mga detalye ng kontrata.

Nilagdaan ni Cooley, ang 6-foot-9, 246-pound at Notre Dame product, ang kanyang deal matapos ang back-to-back 10-day contracts. Naglaro siya ng anom na mga laro at siya’y may average na 1.7 points. Una siyang pinalagda mula sa D-League’s Idaho Stampede, kung saan ay may average siya na 16.8 points, 12.5 rebounds at 1.3 blocks sa 20 mga laro.

Ang 6-foot-6, 201-pound na si Johnson ay may average na 7 points, 1.5 rebounds, 1.5 assists at 1.5 steals sa dalawang mga laro habang nasa hanay pa ng Jazz para din sa 10-day contract sa kaagahan ng taon na ito.

National

Patutsada ni Hontiveros: Guo, nakakapag-Facebook pero 'di makaharap sa Senado

Ipinamigay naman ng Jazz si guard Ian Clark kahapon. Sumabak ito sa 23 mga laro sa Jazz na taglay ang average na 1.9 points.