KAPAG dumating ang blessings, bumubuhos. Natanggap ito ni Mikael Daez, nang muli siyang mag-renew ng two-year exclusive contract sa GMA Network with the executives of GMA Entertainment TV, Lilybeth G. Rasonable, Marivin T. Arayata, Redgie A. Magno, Gigi S. Lara, Cheryl Ching-Sy, Simoun F. Ferrer, Cecille de Guzman and his talent manager Betchay Vidanes. 

Mikael Daez

Sa contract signing, ipinaalam agad sa kanya na mayroon na siyang bagong project na gagawin, at hindi dito sa Pilipinas kukunan kundi sa Cambodia.

Makakasama ni Mikael ang favorite leading lady niya, si Andrea Torres at ito na ang pang-apat nilang pagtatambal, una sa Sana Ikaw Na Nga, With A Smile at Ang Lihim Ni Annasandra. Aalis sila sa April at 20 days silang magti-taping doon. Tatapusin na nila ang serye bago sila bumalik ng bansa.

National

Antonio Trillanes, planong tumakbo bilang mayor ng Caloocan -- Aksyon Demokratiko

“Nagulat talaga kami ni Andrea nang malaman naming doon ang location ng bago naming soap,” kuwento ni Mikael.  “Minsan na kaming nagpunta roon ni Andrea at napakainit ng pagtanggap nila sa amin. Doon namin nalaman na gustung-gusto pala nila ang mga drama series na ginagawa natin dito. Kaya ngayon pa lang excited na kaming makabalik at magtrabaho roon. 

“Bago umalis, magti-taping na muna ako ng Ismol Family na every Sunday lang namang napapanood at mag-iipon ako ng episodes ng ‘Midnight Express’ ko for Saksi every evening.  Nag-advanced taping na rin kami ni Andrea ng summer episodes namin ng Bubble Gang sa Caramoan island sa Camarines Sur, dahil magbabakasyon naman si Michael V with his family sa USA.”

Samantala,  muling babalik ng Baguio si Mikael for the Holy Week. Favorite ngayon ni Mikael ang City of Pines. Kasama ang rumoured girlfriend niyang si 2013 Miss World Megan Young as endorsers, nag-launch sila ng sneakershop doon last week.