Pipilitin ng Team Philippines sa beach volley na makausad sa 2016 Rio De Janeiro Olympics sa pagsagupa ng dalawang koponan sa qualifying round ng AVC Beach Volleyball Continental Cup Development Division para sa Southeastern Asia.  

Ito ang inihayag ni Philippine Sports Commission (PSC) beach volley consultant Eric LeCain kung saan ay nakatakdang umalis ngayon sina Edward Ybanez, Jade Becaldo, Jonrey Sasing at Edmar Bonono sa Marso 30 upang tangkaing kubrahin ang kinakailangang puntos sa gaganaping SEA East Asian Olympic Zonal Qualifier sa Abril 2 at 3 sa Bangkok, Thailand.

“We will fly the team up on Saturday for training at MOA, then we will go straight to Thailand for the tournament,” sinabi ni LeCain.  

Tangka ng Pilipinas na maduplika ang pangunguna sa unang qualifying round sa pagwawagi sa Pool B katapat ang Cambodia na namayani sa Pool A na ginanap sa Valaya Alongkorn Rajabhat University sa Phatum Thani, Thailand upang makausad sa ikalawang round.  

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Tanging ang tatlong nangungunang koponan sa men’s at women’s division ang makukuwalipika para sa South East Asian Zone competition kung saan ay awtomatikong nakatuntong ang Thailand, Vietnam at Indonesia bunga ng kanilang natipong puntos sa paglahok sa serye ng torneo sa FIVB AVC beach volley tour.

Nagsagupa naman sa women’s competition ang Malaysia at Pilipinas na kapwa walang talo sa kanilang mga laban. Gayunman, dahil tanging ang tatlong pangunahing koponan ang makapapasok sa ikalawang round ng Southeast Asian Zonal competition ay awtomatikong nakausad ang Malaysia at Pilipinas.

Ang Singapore at Myanmar ang maglalaban para sa ikatlo at huling puwesto sa susunod na round.