Nagbabala ang Department of Public Works and Highways noong Huwebes na maaaring maharap sa mabigat na parusa ang mga contractor na maaantala ang mga proyekto at nakaabot sa maximum liquidated damages sa mga kontrata sa gobyerno.

Ipinalabas ni DPWH Secretary Rogelio Singson ang Department Order No. 37 na nagsasaad ng “Disqualification of contractors with liquidated damages on ongoing DPWH infrastructure projects.”

Ang mga contractor ay maaaring “be banned from bidding for new contract,” ani Singson. “It is a priority of the department to deliver quality, safe, and timely infrastructure projects to the public.”

Walang sinisino, sinabi niya na ang mga miyembro ng Bids and Awards Committee ng DPWH ay maaari rin maparusahan kung mapapatunayan na hinahayaan nila ang iligal na aktibidad ng mga contractor.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa ilalim ng polisiya ng DPWH, ang diskuwalipikasyon ay ipapataw sa mga contractor kung maaantala ang pagkakumpleto ng kanilang trabaho lampas sa 10 porsiyento ng espesipikong panahong nakasaad sa kontrata at ang kabuuang halaga ng liquidated damages mula sa naantalang proyekto na lalampas sa 10 porsiyento ng kabuuang halaga ng contract price.

Bukod sa diskuwalipikasyon, ang mga contractor ay maaari ring mapatawan ng asunto para sa mga naipong liquidated damages dahil sa naantalang infrastructure projects, ayon pa sa utos ni Singson.

Ipapatupad ng DPWH ang mga parusa sa mga contractor ayon sa Section ng Annex E ng Implementing Rules and Regulations ng Republic Act No. 9184, kilala rin bilang Government Procurement Reform Act.

Papatawan din ng kaparusahan ang mga miyembro ng BAC sa kanilang kabiguan na ipatupad ang kautusan sa paglabag ng reasonable na office rules and regulations na nakasaad sa Section 52 ng Civil Service Resolution No. 991936 na kilala bilang “Uniform Rules on Administrative Cases in the Civil Service.”