Nag-umpisa ang tatlong araw na suspension of military operations (SOMO) laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) upang bigyang daan ang pagtatapos ng mga estudyante sa lalawigan ng Maguindao na matatapos sa araw ng Linggo.
Sinabi kahapon ni Colonel Melquiades Feliciano, ang 601st Brigade commander, simula kahapon hanggang sa Linggo iiral ang SOMO sa 13 bayan sa Maguindanao.
Ipinatupad ng militar ang SOMO upang maging mapayapa ang pagtatapos ng mga estudyante.
Magpapatuloy naman ang gagawing pagbabantay ng militar sa lugar na pinagtataguan ng mga pinaghahanap na lider ng BIFF, Basit Usman at limang dayuhan terorismo sa ibang parte ng Maguindanao.
Naglunsad ng all-out offensive ang militar laban mga miyembro ng BIFF matapos masangkot ang bandidong grupo sa Mamasapano encounter noong Enero 25 na ikinamatay ng 44 na Special Action Force (SAF) ng PNP.