MARIGNANE, France (AFP) – Lumalabas na sinadyang ibagsak ng co-pilot ang bumulusok na Germanwings flight matapos ikandado sa labas ng cockpit ang kanyang captain, sinabi ng French officials, sa “unimaginable” development na ikinagimbal at ikinagalit ng mga mahal sa buhay ng mga biktima.

Sa makapanindig-balahibong salaysay sa mga huling sandali ng Germanwings Flight 4U 9525, sinabi ni lead prosecutor Brice Robin noong Huwebes na ang 28-anyos na German na si Andreas Lubitz ang may pakana ng pagbagsak ng eroplano sa French Alps habang sinosolo ang mga control.

Lumalabas na si Lubitz “show a desire to want to destroy” sabi ni Robin sa mamamahayag matapos pag-aralan ng kanyang grupo ang Airbus A320’s cockpit voice recorder.

Ang first officer, inilarawan ng mga kapitbahay at kasamahan sa flying club na “friendly” guy-next-door type, ay pinaniniwalaang hindi kasangkot sa plano, sinabi ng mga opisyal.

National

Amihan, easterlies, nakaaapekto sa bansa – PAGASA

Sinabi ni German Chancellor Angela Merkel na ang rebelasyon ay nagdagdag sa “absolutely unimaginable dimension” sa trahedya noong Martes na ikinamatay ng 150 katao, karamihan ay German at Spaniards.

Nagtulak ito sa airlines na repasuhin ang kanilang mga polisiya sa cockpit, marami ang nagpahayag na ioobliga na nila ang dalawang crew members sa cockpit sa lahat ng oras.

Sinabi ni Robin na agad na namatay ang mga pasahero sa pagbulusok at marahil ay hindi alam ang napipintong trahedya hanggang sa “the very last moment.”

“The screams are heard only in the last instants before the impact,” ani Robin. “The co-pilot was alone at the controls... “(he) deliberately refused to open the door of the cockpit to the pilot.”

Galit at dismayadong sinisikap ng captain, pinaniniwalaang sandaling pumunta sa toilet, na muling makapasok sa cockpit, at hinampas pa ang pintuan, ngunit walang magawa, ipinahihiwatig ng recordings.

Sinabi ni Carsten Spohr, pinuno ng Germanwings’ parent company na Lufthansa, na “in our worst nightmares we could not have imagined that this kind of tragedy could happen to us”.