BINANSAGANG “hari ng sablay” ang komedyanteng si Bearwin Meily sa bagong season ng hit game show na Kapamilya Deal or No Deal dahil sablay lagi ang prediksyon niya sa nilalamang halaga ng kanyang briefcase tuwing naglalaro ang kanyang kapwa Lucky Star.

Ngunit nitong nakaraang Lunes , tumama sa wakas si Bearwin sa kanyang hula dahil ang kanyang briefcase number 14 ang naglalaman ng isang milyong jackpot, kaya siya ang unang celebrity millionaire para sa season na ito.

Bearwin

Intense ang laro ni Bearwin dahil tanging P1 milyon at P100,000 na lang ang natitira sa money board.

National

Pag-aresto kina Guo, isang hakbang para masiguro kaligtasan ng PH -- Gatchalian

Naging emosyonal ang komedyante at piniling tanggihan ang offer ni Banker na P614,000 para na lang makapagpasaya ng mga manonood.

Kapamilya, andito ako para maglaro. From the very beginning, ‘binigay lang sa akin ang briefcase na ito. Binunot lang ‘to. Pera lang ‘yan. Isang buwan ubos na ang P614,000. I want to play,” sabi ni Bearwin bago mag-No Deal sa offer.

Tayuan at hiyawan na ang studio audience pati kapwa niya Lucky Stars hanggang sa binuksan na nga ng host na si Luis Manzano ang briefcase. Takbuhan ang celebrity briefcase holders sa stage at agad binati at niyakap si Bearwin.

“Wala akong gustong iba sa episode natin kung hindi mag-enjoy tayong lahat. Hindi ako tumingin sa pera. Pera lang ‘yan. Sandali lang ‘yan,” paliwanag niya.

“To be honest, hindi ko ipinag-pray na makuha ito although hindi ko din ibibigay ito sa inyo,” pabirong sabi pa niya.

Congrats, Bearwin! Hindi ka na ngayon “hari ng sablay”. Hari ka na ng mga bear na win na win! Insert smiley, u!