Nagbabantang pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR) sa susunod na linggo ang isang low pressure area (LPA) na maaaring maging bagyo.

Sinabi ni weather specialist Gener Quitlong ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng pumasok sa bansa sa Biyernes Santo ang tinukoy na sama ng panahon.

Posibleng maging ganap itong tropical depression o bagyo na papangalanang “ Chedeng”.

Hindi pa rin masabi ng PAGASA kung magla-landfall ito dahil maaring didiretso ito pa-Timog Japan o kaya’ay tutumbukin ang kalupaan ng Luzon.

National

Dela Rosa at Marcoleta, binisita si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez sa ospital

Gayunman, ayon kay Quitlong, kahit hindi mag-landfall sa lawak ng sirkulasyon ng sama ng panahon ay maaaring mararamdaman na ang mga pag-ulan sa Luzon sa Sabado de Gloria o sa Linggo.

Ayon sa PAGASA, apektado pa rin ng northeast monsoon ang Cagayan Valley, Cordillera region, Calabarzon at Bicol Region.