Ipagpatuloy natin ang mga katangian ng mga taong may mabuting kalooban...

  • Mahinahon - Hindi hyper sensitive ang mga taong may mabuting kalooban. Taglay nila ang hinahon ng isipan at damdamin. Iniiwasan nila ang mood swings upang mapanatili ang kanilang matibay na karakter. Kaya nilang harapin ang mga taong bastos at hindi nila pinapansin ang mga pangungutya ng iba. Hindi sila nagtataas ng boses sa kanilang kausap. Natitiis nila ang katangahan ng ilan nilang kasama. Hindi nila kailangang mag-seminar sa anger management. Sila ang mapayapa habang nagkakagulo sa kanilang paligid.
  • Hindi nakikitsismis – Naging bahagi na ng kulturang Pilipino ang pakikipagtsismisan. Ngunit sa mga taong may mabuting kalooban, ang sariling problema lamang nila ang kanilang iniintindi. Hindi mo maririnig sa kanila ang tsismis na ipinasa sa kanila. Hindi sila ang magkakalat ng balitang masama at walang basehan. Hindi sila nakikialam sa buhay ng iba. Nauunawaan ng mga etikal na taong ito ang kapinsalaan ng tsismis sa katauhan ng iba. Hindi mo sila matatagpuang kasama ng mga tsismosa’t tsismoso.
  • Probinsya

    Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

  • Marunong bumagay – Sabi ng matatanda: “Mas mainam na yumuko kaysa mabali.” Taglay ng mga taong may mabuting kalooban ang abilidad na bumagay sa situwasyon. Hindi sila kumakatig sa nakasanayan na o idinidikta ng iba. Sapagkat nakasasabay sila sa pagbabago, may abilidad silang palitan ang kanilang iniisip upang mapabuti ang situwasyong kanilang kinasasadlakan. Hindi matigas ang kanilang ulo. Sumusunod sila sa batas.
  • Hindi namimintas – Ang sobrang pamumuna o pagbabatikos ang ugat ng maraming problema sa lipunan. Ang mga taong may mabuting kalooban ay hindi namimintas. Hindi sila kumokondena. May sarili silang positibong pamamaraan upang payuhan ang isang tao o grupo nang walang nasasaktan ngunit epektibong naipararating ang kanilang mensahe.