Namatay ang isang 4-anyos na lalaki makaraang dumanas ng dehydration sa Barangay Libutan evacuation center bunga ng kakulangan ng supply ng tubig sa mga lugar na apektado ng isinagawang all-out offensive ng militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Ito ang sinabi kahapon ng National Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na patuloy na humihingi ng dagdag na supply ng tubig sa Department of Health-Autonomous Region in Muslim Mindanao (DoH-ARMM) at iba pang pangangailangan sa evacuees na apektado ng opensiba ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa Maguindanao.

Sa report ng NDRRMC, lumalabas na 120,000 ang internally displaced family ang apektado sa pagpapatuloy na all-out offensive ng military laban sa mga rebelde.

Iniulat ng DoH-ARMM, 10,000 sa mga lumikas ay may karamdaman. Kadalasang sakit na nakukuha ng evacuees ay ubo, sipon, at lagnat.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Umapela ng tulong si ARMM Health director Kadil Sinolinding Jr. sa may mga ginintuang puso na nais magpadala ng mga maiinom na tubig upang maiwasan ang outbreak ng mga sakit ng diarrhea.

Sinabi nito na 15 health station ng DoH-ARMM at Maguindanao Integrated Provincial Health Office ang itinayo para mangalaga sa maysakit na evacuees.