CAMP DANGWA, Benguet— Labing-siyam na wanted persons na kabilang sa 24 katao sa isang warrant of arrest, ang sabay-sabay na nadakip sa loob ng isang araw ng tatlong alertong warrant officer ng Itogon Municipal Police Station.

Nakatakdang gawaran ng parangal ng Benguet Police Provincial Office (BPPO) sina Senior Police Officer 4 Alejandro Pe, Police Officer 3 Neil Cabansi at Police Officer 2 Rian Cadaweng, dahil sa kanilang katapangan at dedikasyon sa trabaho sa pagdakip ng 19 na wanted person sa loob ng isang araw noong Marso 19, 2015 at kinabukasan ay nahuli ang apat pang kasamahan ng mga ito.

Nabatid na may kabuuang 24 na katao ang nasa isang warrant of arrest na inisyu ni Judge Jose S. Encarancion, ng Municipal Trial Court Itogon, Benguet sa kasong grave threats. Base sa report, noong 2014 nagsampa ng kasong grave threats si Josephine S. Asiong, businesswoman, ng Upper Tram, Ucab, Itogon, Benguet and Bay-o, Tuding, Itogon, Benguet laban sa 24 na suspek kaugnay sa usapin ng agawan sa lupa.

Metro

Klase, government offices sa NCR, Region III at IV-A suspendido sa Hulyo 25