Walang mali sa plea bargain.

Ito ang inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima sa napaulat na P21-million plea bargain ng kampo ni US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton sa pamilya ng transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude para ibaba ang kasong murder sa homicide.

“We have to remember that in preliminary conference or pre-trial, plea bargaining is allowed, subject to agreement of parties,” paliwanag ni De Lima.

   

Mga klase, pasok sa tanggapan ng gobyerno suspendido sa Oktubre 31

Una nang sinabi ng kampo ni Pemberton, ang pamilya Laude ang humiling ng P21 milyon para maayos ang kaso.

Para kay De Lima, ang titignan niya sa ngayon ay ang reklamo ng pamilya Laude laban kay Olongapo City Prosecutor Emilie Delos Santos dahil umano sa pagbubukod sa pamilya Laude mula sa negosasyon sa kampo ni Pemberton kaugnay ng plea bargain deal.

Hiniling na raw niya sa prosecutor na sagutin ang protesta ng ina ni Jennifer na si Julita at kapatid na si Malou.

“I’m asking City Prosecutor Delos Santos to submit a comment on that before I make a decision,” dagdag ni De Lima.

Una nang sinabi ng family lawyer ng mga Laude na si Harry Roque Jr. na si Delos Santos ang nagtutulak sa P21-million settlement pero hindi kinonsulta ang pamilya ng biktima.