Marso 27, 1998 nang pumayag ang United States Food and Drug Administration (FDA) sa paggamit ng oral medication na “Viagra,” na nakagagamot ng erectile dysfunction.
Ang Viagra ay binubuo ng artificial chemical sildenafil, na ginawa upang bigyang-lunas ang high blood pressure at angina pectoris, isang uri ng sakit sa puso.
Taong 1996, nakatanggap ang sildenafil ng patent. Ang prescription-only drug ay inimbento nina Peter Dunn at Albert Wood.
Sa unang taon nito sa mga pamilihan, ang Viagra ay nagkakahalaga ng $8 hanggang $10. Ito ay pinakilala sa pamamagitan ng telebisyon at Internet.
Higit sa 20 milyong Amerikano ang gumagamit ng Viagra.