Pinaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas sa Beijing ang mga kababayan na illegal para sa mga Pinoy na magtrabaho sa China bilang nanny, household worker at private tutor.

Ayon pa sa abiso ng Embahada, ang mga dayuhan ay hindi rin maaaring magtrabaho bilang household worker o kasambahay sa China dahil labag ito sa Chinese laws.

Pinag-iingat ang mga kababayan sa pakikipagtransaksiyon sa mga agent/ahente sa Pilipinas na nag-aalok ng trabaho sa China partikular bilang nanny, household worker o private tutor. Pinapayuhan ang mga Pilipino na huwag tanggapin ang ganitong mga alok.

Dapat ding mag-ingat sa pakikipagtransaksiyon sa mga ahente o indibidwal sa China na nag-aalok ng tulong sa pagpapalawig ng tourist visa kapalit ng malaking halaga.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Paliwanag ng Embahada ang mga nasabing ahente o indibidwal ay sangkot sa illegal recruitment, lumalabag sa batas ng China at malimit na gumagawa ng masamang gawain. Ang mga Pilipino na iligal na nagtatrabaho sa China ay madalas na nahaharap sa mga pang-aabuso o pagmamaltrato.