Ipinababasura ng Office of the Ombudsman sa Korte Suprema ang temporary restraining order (TRO) na ipinalabas ng Court of Appeals (CA) laban sa suspension order nito kay Makati City Mayor Jejomar Erwin “Jun-Jun” Binay.
Ito ang nilalaman ng petition for certiorari and prohibition na humirit ng TRO at writ of preliminary injunction upang pigilan ang CA sa implementasyon ng ipinalabas na TRO.
Sinabi ng Ombudsman na may kapangyarihan sila bilang isang independent constitutional body na magpalabas ng suspension order sa opisyal ng gobyerno.
Matatandaang noong Marso 11, nagpalabas ng preventive suspension ang anti-gfraft agency laban sa alkalde at sa iba pang opisyal ng lungsod na sinundan ng panunumpa ni acting Mayor Romulo Peña.
Ito ay may kaugnayan sa umano’y maanomalyang pagpapatayo ng Makati City Hall.
Ilang araw nang maibaba ang TRO, nagpalabas naman ng 60-araw na TRO ang CA, bagay na kinuwestyon ng mga kalaban sa pulitika ni Binay.