Tom Rodriguez

IBANG klase ang pagtanggap na naranasan nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa katatapos na pagdiriwang ng Araw ng Dabaw. 

Halatang hindi pa nakaka-move on ang mga tagahanga nila na sumubaybay sa kanilang phenomenal team-up sa My Husband’s Lover. Punung-puno ng ‘di magkamayaw na fans ang Gaisano Mall sa Davao City noong March 15 nang magkaroon ng Kapuso Mall Show ang dalawa. 

Kahit madalas pumunta sa Davao, tuwang-tuwa pa rin si Dennis sa ipinakita ng mga Dabawenyo.

Sa pagpunta niya sa UAE; PBBM, pinagkatiwala bansa kina Remulla, Estrella, Bersamin

“As always talagang napaka-enthusiastic ng crowd and very excited sila,” sabi ni Dennis sa pagkatapos ng show. “Kaya kaming mga artist talagang ginaganahang mag-perform kasi mas masigla ‘yung mga tao, mas masarap mag-perform talaga. Nakakatuwa.” 

“Grabe, ang sarap!” sang-ayon ni Tom. “ Everytime na bumibisita ako rito, napaka-warm lagi. Napakasarap talagang magmahal ng mga Dabawenyo. Kaya sa mga Kapuso nating Dabawenyo, nagpapasalamat kami nang sobra-sobra at sana magkita pa tayo ulit very, very soon.” 

Ang recently-wed couple at primetime royalties namang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay nagpapasalamat na dahil sa trabaho nila, hindi lang sila nagkakasama kundi nagkakaroon din ng pagkakataon para maki-bonding sa kanilang fans. March 16 naman nang mag-show ang mag-asawa sa Abreeza Mall.

Bago sumalang ang dalawa, sinabi ni Marian na importanteng may panahon sila ni Dingdong para sa isa’t isa sa kabila ng busy taping schedules nila para primetime series na Pari ‘Koy at The Rich Man’s Daughter.

“Kailangan talagang meron (time for each other). Hindi p’wedeng wala,” sabi ni Marian. “Inaayos talaga namin ‘yung schedule. Saan kami p’wedeng mag-date, saan kami p’wedeng mag-bonding dito sa araw na ito. Sa ngayon magkakatugma ‘yung schedule namin, ‘pag may trabaho ako, may trabaho siya, ‘pag wala, wala rin ako kaya we’re thankful gaya nito nakapag-regional kami.” 

Salo naman ni Dingdong, nakuha nila ang practice na ito sa ninong nilang si Ogie Alcasid.

“May once a week talagang dapat inilalaan for family. Kailangan strikto na kung Sunday, Sunday; kung Monday, Monday, di ba? Nakuha namin ‘yun sa ninong namin, kay Ogie, saka si Regine (Velasquez), ganu’n sila. eh. Talagang parati nilang sinasabi na, Tuesday yata sila, eh, kahit ano’ng mangyari hindi sila tatanggap ng trabaho kapag Tuesday.”

Speaking of Regine, naroon din siya para sa Araw ng Dabaw na talaga namang pinabilib ang libu-libong audience ng Kapuso Fans’ Day niya sa SM City Davao. Umaga ng March 16 siya dumating sa Davao, at kinuha rin ang last flight out pabalik ng Maynila.  

“Whenever I can, I really make it a point to come home even after an event in the regions. I don’t mind na magbalikan for my son, Nate,” ani Regine.

Ang highlights ng Araw ng Dabaw ay mapapanood Let’s Fiesta TV Special na ipalalabas ngayong April 19 sa GMA regional stations sa Bicol, Cebu, Davao , Iloilo , Dagupan, Ilocos, GenSan, Bacolod , at CdeO.

Para sa latest updates tungkol sa GMA regional events, i-follow lang ang GMA Regional TV sa Twitter at sa Instagram via @GMARegionalTV.