Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko nang muling nagpositibo sa red tide toxin ang shellfish na nakuha sa karagatan ng Region 1, iniulat kahapon.

Lumitaw sa isinagawang pagsusuri ng BFAR, nakitaan ng red tide organism ang mga nakuhang shellfish sa baybayin ng Anda at Bolinao, Pangasinan sa naturang rehiyon.

Sinabi ni BFAR Region 1 Director Nestor Domenden na sa ngayon ay ipinagbawal na ang paghango, pagbenta at pagkain ng lahat ng uri ng shellfish gaya ng tahong, lukan, talaba at alamang mula sa mga apektadong lugar.

Sa kabila nito, nilinaw ng nasabing opisyal na ligtas kainin ang mga isda, pusit, hipon at alimango basta tiyakin lamang na sariwa at tanggalan ng hasang, bituka bago lutuin.
Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente