PROVINCIAL CAPITOL, Isabela - Bunga ng patuloy na suporta na ibinibigay ng pamahalaang panlalawigan sa pamumuno ni Isabela Gov. Faustino G. Dy III at ni Vice Gov. Antonio”Tonypet” Albano hindi lamang nakabangon ang libong magsasaka kundi naging maunlad pa ang kanilang pamumuhay.

Ayon kay Dy, hindi nakasasagabal sa mga magsasaka ang pagsulpot ng mga makabagong makinarya na 3-in-1 (pag-aararo sa bukid, rice planters at harvester) sa halip magiging mahusay pa at magaan sa bulsa ang kanilang gastusin kumpara sa dating manu-manong pamamaraan. Sinabi ni Dy na kinikilala sa larangan ng quality corn producer ang lalawigan at nangunguna rin ito sa produksyon ng bigas sa bansa. Kaya dapat mapanatili ang maayos na pagsasaka at masaganang pag-aani.

Dahil dito, nagkaloob ang pamahalaang panlalawigan ng P2.50 sa presyo kada kilo ng palay at mais at karagdagang .50 sentimos sa ilalim naman ng programang pantawid-pasahe program. Nakipag-ugnayan na rin sila sa TESDA at nakalaan itong magbigay sa mga magsasaka ng libreng pagsasanay sa carpentry, masonry at iba pang mga skilled courses na maaaring makatulong sa kanila bilang alternatibong hanapbuhay. - Wilfredo Berganio

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente