Nagiging mabuti ang tao dahil sa sa pananampalataya sa Diyos, sa lipunan na kanyang ginagalawan, at batas na pinaiiral ng pamahalaan. Dahil sa pundasyong etikal ng isang indibiduwal, batid niya ang kaibahan ng tama at mali sa pamumuhay at gumagawa ng paraan para sa para sa ikabubuti ng situwasyon.

Narito ang ilang katangian ng mga taong may mabuting kalooban:

  • Isinasabuhay ang mga aral ng kanilang relihiyon. - Kabilang din dito ang kanilang paggalang sa iba pang relihiyon. Hanggang hindi nakagagambala ng ibang tao, sinusunod nila ang mga rituwal at tradisyon ng kanilang pananampalataya tungo sa kapayapaan ng lahat.
  • House Sergeant-at-Arms kay VP Sara: 'Pinagbigyan pero sumobra!'

  • Umuunawa - Taglay ng mga taong may mabuting kalooban ang mataas na antas ng emotional intelligence. Nauunawaan nila ang mga bagay-bagay gamit ang iba’t ibang pananaw. Hangarin nila ang umunawa kaysa unawain ng iba. Mahusay ang kanilang paningin, pandinig, at pag-analisa sa mas malalim na pananaw. Dahil sa katangiang ito, madali silang mapagkatiwalaan kung kaya naibabahagi o naikokonsulta sa kanila ang mga suliranin ng iba para sa suporta.
  • Nagpapatawad - Kailangan ang isang matibay na damdamin upang magpatawad at lumimot. Hindi nagkikimkim ng sama ng loob sa mahabang panahon ang mga taong may mabuting kalooban. Sila ang mas kakatig sa kapayapaan at kaayusan kaysa gulo at karahasan. Hindi sila agad-agad na nakikipag-away. Umiiwas sila sa mga kumplikasyon at nagpapatuloy sa pamumuhay nang payapa sa pamamagitan ng pagpapatawad at paglimot sa nangyaring masamâ.
  • Matulungin - Para silang mga boy scout or girl scout na laging handang maglingkod sa kapwa nang walang hinihintay na kapalit. Nais nilang mag-improve ang situwasyon na kanilang kinalalagyan o ng iba na nahihirapan. Sila ang agad na sumasaklolo sa mga nakaharap sa panganib. Kanilang inisyatiba ang ituwid ang mga isyu at magmungkahi ng posibleng solusyon sa mga problema. Kanilang tinitiyak na hindi na mauulit ang isang negatibong situwasyon. Nireresolba nila ang problema mula sa ugat.

Sundan bukas.